Learning is Fun
Since extended na naman po tayo till May 15, Kami po sa Imelda Elementary School ay hinihimok ang lahat ng mga magulang at mga mag-aaral na may cellphone, tablet o kaya’y laptop sa kanilang bahay na makiisa sa paggamit ng DepEd Commons.
Ang DepEd Commons po ay isang Online Learning at LIBRE po ito walang Data charge mapa GLOBE, SMART ,TM at SUN ay pwede ng makapag-access. Ito po ay naisip na paraan ng DepEd para patuloy ang pagkatuto ng ating anak habang tayo ay nasa ECQ. Mayroon din po siyang laro/puzzle. Kaya inaanyayahan po namin kayo na samantalahin ang napakaalternatibong sistema na handog ng Deped para sa ating mga anak habang nasa ECQ.
PAANO ANG PAGPUNTA SA DepEd Commons:
Step 1: Pumunta sa Google
Step 2: I-type/Search DepEd Commons
Step 3: I-type ang ating School ID:
( sa select School at lalabas po ang name ng school )
IMELDA ELEMENTARY SCHOOL- 136834
Step 4: I-type ang pangalan
Step 5: Email Address (Ito ay Optional, pwedeng hindi na po maglagay ng Email Address)
Step 6: Mamili ng Grade na naaayon sa inyo pong Anak
Step 7:: Mamili ng Subject na nais niyo pong buksan
Step 8: Maaari na pong mag-quiz( may mga tanong po na lalabas at sa bawat tanong po ay may kaukulang score.
Napakainteresting at makabuluhan po ito.
*Naglalaro at natututo pa ang Bata.
Enjoy and God bless po!